Ang aking pagpapasimple ng aking pinakapaboritong bahagi ng aklat na 'Noli Me Tangere' ni Jose Rizal ay aking paraan ng pagpapasalamat at pagbibigay ng kahit kakaunti mang parangal sa katauhang si Pilosopo Tasyo. Nais ko sana'y inyong maibasa ito, at maalaala ang dunong ng mga salita ng matanda at itinuring na baliw. Inaasahan ko rin sana na inyong gunitain ang mensahe ni Tasyo, na ang katotohanan at karunungan ay malimit na sinasamahan ng tanyag na kagustuhan ng lahat. Sana rin ay maalala ninyo na ang mahalaga sa buhay ng tao ang kanyang pagpapanatili ng kanyang mga prinsipyo at paniniwala.
Ang mga pangyayaring ito ay naganap sa loob looban ng bahay ni pilosopo tasyo, nung araw ng pagkabisita ni Senyor Ibarra. Sa pagkakataong ito, ay hinihingi ni Ibarra ang payo ng tandang si Tasyo ukol sa kanyang pagpapagawa ng eskwelahan.
@ Nangiti ng bahagya si Ibarra habang ilang piraso ng papel ang hinugot sa kanyang kalupi.
Ibarra: "Hindi ba at malimit sumanggani sa inyo ang yumao kong ama? At naalala kong minsa'y binabati niya ang sarili dahil sa pagsunod sa inyong payo. Isang munting gawain ang hawak ko ngayon at mula sa inyo ay nais kong mabatid ang tagumpay"
Sa maikling paraan, ipinaliwanag niya ang proyektong paaralang para sa mga bata na inihandog niya kanina lamang sa kasintahan. Di makapaniwala ang pilosopo habang ipinakikita niya ang planong nagbuhat pa sa Maynila.
Ibarra: "Humihingi po ako sa inyo ng payo kung sino rito sa bayan ang dapat kong kausapin upang itong gawain ko'y maging tagumpay. Mas kilala n'yo ang tagarito. Kauuwi ko lamang, at halos banyaga ako sa aking lupang sinilangan."
Luhaang sinisiyasat ni tandang Tasyo ang planong nasa kanyang harapan.
Pilosopo Tasyo: "Ang isinasakatuparan mo'y aking panaginip, panaginip ng isang baliw!"
bulalas ng madamdaming matanda. Pilosopo Tasyo: "Ngayon, ito ang una kong ipapayo, huwag magtungo rito upang sangguniin ako." *
Nagtakang tumingin sa kanya ang binata
Pilosopo Tasyo: " Dahil may mga matinong tao, na maaring kayo'y ituring ding baliw. Pinaniniwalaan nila na kapag ang tao ay kakaiba ang iniisip ito'y isang baliw.** At para sa kanila'y baliw nga ako, nagpapasalamat naman ako 'pagkat ay naku! Sa araw na naisin nilang bumalik ang aking bait, yun rin ang araw na ipagkakait nila ang kalayaan ko, kalayaang binili ko kapalit ng aking katinuan.*** Sinong makapagsasabi, baka sakaling tama sila."
Pilosopo Tasyo: "Ako'y nabubuhay na di alinsunod sa kanilang mga batas. Kaiba ang aking simulain, at iba higit kaninuman ang aking mithiin. Para sa kanila, matalino ang gobernadorsilyo pagkat walang alam gawin kundi magdulot ng tsokolate at katigan ang mga maling gawa ni Padre Damasao.**** Tignan ninyo, mayaman na siya ngayon, pinakikialaman ang hamak na kapalaran ng kanyang mga kababayan, minsan pa'y naghahayag ng hingil sa katarungan: 'Iyan ang matalinong tao!' nasa isipan ng mga tao.'Tignan mula sa wala, dagliang lumaki!'At ako, minana ko ang kayamanan at pagpipitagan, ako'y nagaral at ngayo'y naghihirap ako, na kailanma'y hindi pagtitiwalaan ng isang katawa-tawang tungkulin, at sabi pa nga ng lahat: 'Iyan ang baliw! Hinde siya nakakaunawa ng buhay!'***** Pilosopo ang bansag sa akin ng mga kura; para sa kanya'y isa akong nagmamarunong, ibig ko lamang daw magpasikat hinggil sa natutunan ko sa paaralan sa unibersidad. Ang totoo nito'y napakaliit ng aking pinakinabangan. Siguro nga'y baliw ako at sila'y matalino."
- Noli Me Tangere, Kabanata bilang 26.
* The ultimate act of sacrifice is to give a noble cause the best chance, even if it means ones not being part of that cause.
** Here we see the social sickness of the common Filipino in the need for uniformity. Even at this day and age, those who are different are discriminated for simply thinking differently. As early as a hundred years ago, Pilosopo Tasyo identified this slur of discrimination seen even amongst country men.
*** Pilosopo Tasyo's better judgement is seen here. He, once thought of as well educated, rich, and perhaps even influential, trades his formerly glorious reputation for his freedom. What price can be put on that? Proclaimed a madman, he is left to his own devices, and he can think, write, and be left in peace. Pride in exchange for freedom. The question is then presented to us, what choice would we make?
**** The gobernadorsilyo here is used as a literary foil for the character of Tasyo. Where Tasyo is unrelenting and unmoving in his principles and beliefs, the gobernadorsilyo does nothing but give in to every whim of those he perceives to be in authority, thus gaining their favor. Perhaps we can compare the character of Tasyo to that of Rorschach from Allan Moore's watchmen, where he utters the phrase "Never compromise even in the face of Armageddon."
***** What must be noted and asked though is this: Does Pilosopo Tasyo look down upon the gobernadorsilyo because he is uneducated and yet he has succeeded in life? Is the great Tasyo an elitist? I believe that while on the surface, the lines he utters hint at this idea, the reason that it comes off this way is because of the circumstances that Tasyo is in. He wonders not why the people love a commoner, but he is bitter about the fact that the commoner is like todays petty politician, who is in it for the sole purpose of benefit rather than service. Tasyo makes no claim of being able to be a better gobernadorcilyo, but merely grates upon the irony that life has presented him.